Skip to content

Latest commit

 

History

History
109 lines (83 loc) · 11.5 KB

CONTRIBUTING_TL.md

File metadata and controls

109 lines (83 loc) · 11.5 KB

Paano makapag-ambag

Talagang masaya ako na nagbabasa ka nito, dahil kailangan namin ng aktibong mga tagabuo na tutulong makompleto ang proyektong ito. Gumagawa kami ng isang prosesong pangkomunidad para mapagana ng mga taga-ambag ang RHOC para sa coop. Tingnan ang video 24:06 HJ na nagpapaliwanag sa Hindi Sentralisadong Pagba-budget ng mga Miyembro at video na RChain, hindi sentralisadong pagba-budget at paggastos.

Lahat ay inaanyayahang makilahok. Ang pag-aambag ay hindi lamang nangangahulugang mag-code; may maraming ibang paraan para makasali ka, gaya ng pagiging aktibo sa komunidad, pagtatampok, paglinang sa negosyo, disenyo, at pamamahala.

Komunikasyon

Ang RChain ay may maraming mga tsanel na pinapadali ang komunikasyon sa saklaw ng lumalawak na komunidad. May buong listahan ng comm na mga tsanel sa FAQ pero ang mga ito ay mga tsanel ng pakikipagtulungan:

  • Nagtutulong-tulong kami at pinanatiling na-update ang isa't isa sa pamamagitan ng Github/RChain/Members.
  • Sinusuri namin ang Mattermost at Gitter upang makalikha ng pananaw kung ano ang gagawin ng isa, kailan at bakit.
  • Ang Telegram na RChain Coop na grupong chat ay para sa chat, habang ang RChain Coop Official Announcements na tsanel ay nagdadala ng mga opisyal na anunsyo. Para sa mga tsinong tagapagsalita, may isang RChain_Official_Chat_CN na grupo. Mayroon ding isang QQ na grupo para sa RChain: 530718666.
  • Lumipat kami mula Slack papuntang Discord na server. Ang Discord ay may maraming mga tsanel upang pag-usapan ang lahat ng uri ng mga bay (upang sumali tingnan ang Becoming a Member sa ibaba). Ang layunin ay lumikha ng makikilosang mga isyu sa Github/Members na hinahawakan ng komunidad.
  • Ang iba't ibang mga kapaligiran ay pinagdugtong-dugtong sa isa't isa. Kaya makikita mo ang mga mensahe mula halimbawa sa Discord sa Mattermost, Telegram, o Gitter.
  • Ginagamit namin ang Google Groups para sa interaksyon sa pamamagitan ng email at pagkuha ng access sa RChain Google drive at mga dokumento.
  • May mga tawag para sa linggo-linggong komperensiya kasama ang mga hindi binagong mga archive sa Youtube.
  • May isang linggo-linggong Member zoom na pagkikita sa Miyerkules, 06:00 PM UTC (Amsterdam +1, New York -5, Seattle -8, Beijing +8), kung saan pag-uusapan natin ang mga isyu na kailangang pagtatrabahuan.
  • At ang ating websayt.

Pakikipagtulungan

Sa pamamagitan ng Github/Members ang mga isyu ay nililikha ninuman. Depende na sa atin kung paano panghahawakan ang lahat ng mga isyung iyon sa isang organisadong paraan, base sa pag-oorganisa sa sari at desentralisasyon. Nagtitiwala kami sa kakayahan at karaniwang pag-iisip upang lutasin ang mga isyu at mapaparangalan sa isang makadahilang paraan sa RHOC.

  • Ang mga gawaing ayem ay nirerepresenta ng mga isyu.

  • Upang gumawa ng isa o sumali sa trabaho ng isa, kailangan mong:

    1. magkaroon ng isang Github account
    2. humingi ng Github na papel ng pakikipagtulungan mula @lapin7 sa isa sa comm na mga tsanel, o magpadala sa ops@rchain.coop, upang makakuha ng imbitasyon
    3. pagkatapos, kumpirmahin ang imbitasyon sa pakikipagtulungan para sa repositori na rchain/Members
    4. maging isang miyembro ng rchain@googlegroups.com para makakuha ng access sa mga dokumento
  • Hindi minamandato pero nakakatulong talaga ito upang maging isang miyembro ng RChain at mapatunayan sa Discord. Nangangailangan ito ng $20 na bayarin sa pagkamiyembro at KYC. Tingnan ang Pagiging isang miyembro sa ibaba.

    1. registration

Hindi Sentralisadong Pagtatakda ng Budget

  • Ang mga budget ay itinatakda sa mga tinatrabaho ng higit 3 miyembro. Ang average ng tatlong mga mungkahi ang magtitiyak sa budget.
  • Ipinapaliwanag ito ni Ops (@lapin7, HJ) sa isang video RChain, Decentralized budgeting and spending
  • Magmumungkahi ang mga miyembero ng budget upang lutasin ang isyu.
  • Pumunta sa spreadsheet Pub Member Budget Allocation-Spending TAB "Budget 201711" image
  • Humanap ng isang isyu na gusto mong paglaanan ng budget, katulad ng #115 "Community Co-Operators"
  • Ilagay ang iyong pangalan sa Github sa dilaw na hanay, ang AR66 ay para sa lapin7
  • Ilagay ang iyong minumungkahing budget, katulad ng $5000.00. Ang kasalukuyang budget ay magiging $5000.00 (in K66). Idinaragdag ito sa budget ng nakaraang buwan. image
  • Ang Tagapamahala sa operasyon (ops@rchain.coop) ay maaring magdagdag ng mga komento na may mga pinaglalaanang email sa mga cell ng isyu sa Gsheet na ito upang simulan ang pagtitiyak ng mga budget.

Hindi Sentralisadong Pagtatakda ng Parangal

  • Ang RHOC ay hinahati buwan-buwan base sa mga invoice.
  • Sa bawat buwang ang nakikipagtulungan ay nakapagdesisyon kung paano hinahati-hati ang sa mga nakikipagtulungan bilang parangal sa pakikilahok. Ang average tatlong mungkahi ng parangalay magtatakda sa personal na parangal para sa mga nakikipagtulungan.
  • Pumunta sa spreadsheet Pub Member Budget Allocation-Spending TAB "Rewards 201711" image
  • Sa hanay Q at R makikita mo ang porsyento ng paghahati at ang Github na pangalan ng miyembro na nagbigay ng kanyang tala ayon sa kanyang pananaw tungkol sa trabahong ginawa nya at ng iba pang may ginawa sa isyu.
  • Sa hanay M mailalagay mo ang iyong Github na pangalan. Ang iyong pangalan ay makikita kaagad sa hanay Q bilang halimbawa.
  • Sa hanay R matukoy mo kaagad ang mga porsyento para sa iyo at sa ibang mga nakikipagtulungan.
  • Si Ops ay maaaring magdagdag ng mga komento kasama ang email na mga paglalaan sa mga cell ng isyu sa Gsheet na ito upang masimulan ang pagtatakda ng mga parangal.

Sentralisadong Proseso ng Pagbayad

  • Sa katapusan ng buwan, patitigilin ang sitwasyon. Wala nang pagbabago ang magagawa sa mga budget or parangal. Ang proseso ng pagbayad ay nagsisimula sa simula ng buwan.
  • Ang nakikipagtulungan ay makakatanggap ng isang email na may napunuang invoice at ang kinakailangang datos kung ang isang nakikipagtulungan ay nais gumawa ng sarili niyang invoice.Ang nakikipagtulungan ay nagtatago ng isang PDF na bersyon ng napunuang invoice o kanilang sariling invoice. Gdrive of Rchain Invoices.
  • Ipinapadala pagkatapos ng nakikipagtulungan ang invoices@rchain.coop kasama ang link patungo sa PDF na invoice..
  • Kung ang isang miyembro ay hindi gumagawa ng regular na trabaho kada buwan, ang isang Pahayag ng Pagtrabaho ay maaaring gawin. Ang prosesong ito ay malapit nang magamit.
  • Kung gumagana ng maayos ang proseso, hindi na talaga ito maging sentralisado upang gumana sa ibang lugar na pinagtatrabahuan o rehiyon.

Buwis

Pag-uulat

  • Sa huli, ang mga ulat ukol sa pamamahala ay malilikha at ilalahad sa mga Debriefing ng RChain.

Ang unang buwanang siklo ay noong Aug 2017. Inilahad nina Ops, (HJ or lapin7) ang prosesong ito noong Aug 30 sa RChain Community Debrief 40 (24:06). Isang pangkalahatang pananaw ng mga budget at parangal ay makikita rito.

Pagiging isang Miyembro

Sa pagsali sa Kooperatiba, lalahok sa buhay na pag-uusap sa komunidad ng RChain. Makaka-access ang mga miyembro sa the Discord server (walang mga troll o scammer) na may direktang access sa mga tagabuo at pagdedesisyon sa pamamahala.

Proseso

  • Mag-sign up para sa pagiging miyembro ng RChain, i-upload ang iyong dokumentong id, at bayaran ang $20 na bayad sa pagiging miyembro.
  • Makakatanggap ka ng isang imbitasyong link sa RChain Discord.
  • Lumikha ng isang Discord na account kung wala ka pang ganito.
    • Sa Discord, makakapagpadala ka ng mensahe sa @verify na bot: /verify
    • Ang bot ay sumasagot sa pamamagitan ng paghahanap ng code na ini-email.
    • Pag nagtagumpay, ang isang 'verifier' ay kokontak sa iyo (depende sa oras ng araw posibleng hindi ito madalian).
    • Pagkatapos pumasa sa pagpapatunay, ang papel mo ay ma-update sa Member.

4 na Kinakailangan sa pagiging Miyembro

Ang kinatawan ng RChain ay magsusuri sa mga sumusunod:

  1. Kasunduan sa pagiging Miyembro na nakompirma
  2. Suriin ang larawan ng ID na inisyu ng gobyerno
  3. Patunayan ang bayad ng pagiging miyembro
  4. Patunayan ang mukha sa buhay na video

Promosyon sa Miyembro

Kapag naibigay na ang apat na kinakailangan sa pagiging miyembro at naitala na, ang isang Discord na admin ay magpo-promote ng tagagamit sa ROLE=MEMBER at i-append ang ':' sa Discord na alyas ng miyembro bilang katunayan ng pag-iisa.

Maligayang pagdating sa club!